Umpisa na naman ng pasukan. Non-stop na ang news tungkol sa mga eskwela, pamimili ng gamit, mga istoryang nakakaantig ng damdamin, sakripisyo at syempre ang kakulangan ng mga klasrum, guro at malinis na mga banyo.
Paulit-ulit na lang, kada taon...pare-parehong eksena. Simula't sapul na nagkaisip ako, ganito na ang ganap sa mga pampublikong eskwelahan ng pinas. Nakakalungkot isipin na nagdaan na ang dekada at napakaraming politiko pero napag-iwanan parin ang estado ng edukasyon.
Saan napupunta ang pondo? Saan nawawaldas ang pork barrel?
Ang daming naghahangad ng matinong edukasyon, pasalamat na lang ako at kaya ng magulang ko nuon na sa private kaming magkakapatid kundi, diyos ko, delubyo siguro!
Mahirap mag-aral sa siksikang klasrum, kahit di ko naranasan, hindi naman ako manhid para hindi malaman yun. Nakakabwisit ang maiinit tas katabi mo pa ay nagpapawis. Pasakit ang maghati-hati sa iisang libro...paano ka nga ba matututo sa ganun? Nakakatamad lang. Tapos, no offense, lahat ng teacher alam ko nagsasakripisyo, pero ung iba hindi qualified. Tipong napilitan lang magturo ng subject dahil kulang nga sa guro. Sablay sa english, sa math o di kaya science. Kawawang estudyante. Mali-mali ang malalaman.
Ayan, ganyan sa Pinas..sana naman next year maiba na. Yung tipong maeenganyo ang estudyanteng pumasok hindi dahil bago ang gamit niya kundi dahil marami siyang matututunan sa isang komportable at safe na lugar.