Jessie's World

Jessie's World

Sunday, June 21, 2009

weirdong gabi

Mag-aalas tres na, di pa din ako makatulog..gusto kong magbglog pero wala akong pc sa oras na 'to...solusyon, nag tytype ako sa cellphone at bukas ipopost ko 'to...
ang daming naglalaro sa isip ko...ang daming tanong at ideya na hindi na kayang i-process ng utak ko...shit, hormonal imbalance 'to...malapit na akong magkaroon kaya medyo naaaning ako...bwahaha.
- bakit si villar kahaba ng commercial? alam naman na ng lahat ng tao na galing siya sa hirap...bakit kailangan pang pa-interview kay tito boy???
-kung si pichay ay kailangang itanim sa senado...bakit walang nagkusang magbunggal at magtanaim dito???ayun talo..hehe
- ang mahal ng unlimited sa globe...wala bang discount para sa mga regular na nag-reregister?
-kanina...nag-aantay ako ng magbabalot...pero walang dumaan..siguro 'di na talaga ligtas ang kalye ngayon para pagkatiwalaan...ultimo naghahanap-buhay ilag na sa madidilim na lugar.
_si gloria, nag hong kong. ang dami niyang karay-karay...milyon-milyon daw ang nagastos sabi ni erap...hay, ganito pa din talaga ang pinas..tsk,
-bakit di na pinapalatastas ung commercial na bulilit???ang cute pa man ding gawing ringtone nun..haha
hay..kumakalam na tiyan ko..la namang pagkain:(...ano pa bang dapat kong sabihin?..naghihilik na buong pamilya ko..ako..eto, nangangarap pa din ng gising..na sana magkaroon ng magic...
-taaAAaaDdddAAaaa...ung tipong kung ano ng gusto mo eh kinabukasan nakahain na sa'yo..kasaya lang...
-bakit ba ganito ang life??? bakit hindi pwedeng maging perfect???bakit si God lang ang tanggap ng sangkatauhan na kayang maging perpekto sa kahit ano mang aspeto???
-nawawala ang consti and by laws ng pss...ayaw naman ipa-photo copy ni bernardo ang kaisa-isang kopya sa buong planet..tsk,
-bakit si paris hilton paiba-iba ng syota???ganun ba talagang mayayaman...may pagka-bitchy ang style?
-nagring phone ni pattie na binigay ko..dahan-dahan at pabulong na lumabas ng kuwarto...lab lyf kea???
-ilang bese bang dapat mainlab ang isang tao???ilang beses kailangang maki9pag-date, umiyak at kiligin para masabi mong tama ang karelasyon mo???
-dumarami ang populasyon ng mundo...nagkalat din ang kalat,tsk..sabi sa napanuod ko, kapag pinabayaan pa daw natin ang pagka-sira ni planet earth..more or less, may fifty years nalang para mabuhay ang mga dapat mabuhay sa mundo...
-saan ka naniniwala? ang tao ay likha ng dioys o galing tayo sa unggoy?
-bakit may mga dinosaurs na hindi naka-survive ng ice age?eh di sana meron tayong kinakakatakutan ngayon..hindi ung nagbabase lang tayo sa mga horror films...syeet..kapanget ng t2..nonsense talaga.
-sabi ni korina sa interview niya sa ruffa and ai, imbitado daw lahat sa kasal niya...kapag pumunta kaya ako???pakakainin ba nila ako???
naalimpungatan si mama..matulog na daw..dahil 330 na..sige pagbigyan garud..
ge 'till next time na aningin ako:)

No comments: